Abante Tonite Interactive

Ogie suportado si Regine sa pagkondena kay Digong

By
2,845

Suportado ni Ogie Alcasid ang asawang si Regine Velasquez pagkatapos kondenahin ang pagkakasabi ng ‘stupid God’ ni Presidente Rodrigo Duterte.

Tweet ni Ogie: “I will always defend the views of my wife with the love of God.”

Bagama’t ayaw tumigil ang mga basher ni Regine, hindi ito pinatulan ng Asia’s Songbird. Tutok na lang siya sa bago niyang show sa GMA 7 na ‘The Clash’.

“Since the auditions started, na-excite ako kasi ang dami nilang nakapasok. Nag-start na ‘yung main elimination round and mas makikita natin ‘yung talent nilang lahat. Excited ako na magsimula ‘yung pagka-clash ng bawat isa sa kanila,” deklara ng Clash host na si Regine.

Ang mga hurado sa ‘The Clash’ ay sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista and Comedy Concert Queen Ai-Ai delas Alas. Magbibigay naman ng update sa mga aspirant sina Andre Paras at Joyce Pring.

Mapapanood ito tuwing Saturday after ‘Pepito Manaloto’ at every Sunday after ‘Daig Kayo Ng Lola Ko.’ Ito’y sa direksyon ni Louie Ignacio.

Kapuso Boyband One Up, iwas na sa away

Hindi na raw madalas ang away ngayon ng Kapuso boyband na One Up. Sa dalawang taon nilang pagsasama ay nakapag-adjust na sila sa isa’t isa. Hindi naman babae ang pinag-aawayan nila kundi ‘yung mga late sa rehearsal at schedule nila. Iwas na raw sila sa ganitong pagtatalo.

Anyway, ready nang magpakilig ang grupo para sa kanilang ‘All in One Up’ concert na gaganapin sa Skydome sa Agosto 24.

Susuyuin ng mga One Up member na sina Kevin Sagra, Nikki Co, Brent Valdez, Joe­marie Nielsen, Arjan Jimenez, Ralf King, Prince Clemente, Yasser Marta, Jay Arcilla at Dave Bornea ang kanilang mga fan dahil handog nila ang isang concert na magpapakita ng kani-kanilang sariling talento bukod sa kanilang galing bilang isang grupo.

Sa produksiyon ng GION Prestige Productions, stage direction ni Marvin Caldito at choreo­graphy ni Mark Benzon Pelota, tiyak na magkakaroon ng pasabog na mga performance ang boyband sa kanilang first major concert.

Handog din nila sa kanilang mga fan ang single nilang pinamagatang ‘Smile’, na naghahatid ng mensaheng pasasalamat sa walang sawa nilang pagsuporta sa grupo.

Makakasama rin nila sa concert ang kapwa Kapuso stars na sina Migo Adecer, Karlo Duterte, Sofia Pablo, Will Ashley, at Andrea Torres. Maaari nang makabili ng tickets mula sa SMTickets.com.

Dimple seksing tindera ng balut

Titlera sa bikini open/pageant si Dimple Ortega. May taas na 5’6”, 36-25-36 ang sukat. Hawig siya kay Lovi Poe.

Saksi kami sa pagsisimula ng modelong ito dahil nanalo din siyang Miss Hataw Superbodies 2016. Nasa top 5 din siya ng ‘BNaked’ na ginanap sa Music Museum.

Talent din niya ang pabaligtad na gumagapang at parang ahas na kumikiwal sa hagdanan ‘pag nasa entablado kaya pansinin din.

Lalo siyang napag-usapan nu’ng sumali sa ‘Wowowin’ na ‘Willie of Fortune’ segment.

Dati siyang balut vendor nu’ng 16 to 17 years old sa Villarosa, San Pedro, Laguna bago siya napunta sa mga pageant at nakakasungkit ng titulo.(Roldan Castro)