Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ogie tinangging walang project na binigay kay Liza

0 79

NI: BETH GELENA

Sa Showbiz Update YouTube Channel nina Mama Loi at Ogie Diaz , pinag-usapan ang pag-alis ni Liza sa kanyang manager.

Tanong naman ni Mama Loi, hindi raw kaya dahil wala nang naibibigay si Ogie na project sa alaga?

Ani ng manager, may mga project daw siyang nilalatag, pero dahil nga raw pandemya, e nagbi-beg off sina Liza at Enrique.Gil.

Minsan naman ay gustoni Liza ang project, si Enrique naman daw ang ayaw, likewise rin naman daw kay Liza.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa pa ay nagi-enjoy nu’ng time na ‘yun ang LizQuen sa kanilang negosyo.

Saad pa ni Mama Ogs hindi lang daw sa kanya walang kontrata si Liza kundi maging sa ABS-CBN, Star Cinema at sa Star Magic.

Nilinaw naman ng talent manager na open pa naman daw gumawa ng project si Liza sa Kapamilya, Katunayan daw ay may inihahandang proyekto ang Star Cinema sa kanila ni Enrique.

That time raw ay hindi na siya ang makikipag-negotiate kundi ang talent management na ni James, ang Careless Management.

Ang maipagmamalaki lang ni Mama Ogs, umalis sa kanya ang alaga ay Liza Soberano na ito tulad din daw ni Vice noon. Vice Ganda na siya nang lumipat sa iba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.