Abante Tonite Interactive

Oh I see!

By
1,406

Malayo pa para magdiwang ang mga kritiko ni Pangulong Duterte kaugnay ng pag-aksyon ng International Criminal Court (ICC) sa isinampang reklamo laban sa kanya.

Yan ang paliwanag ni Prof. Richard Heydarian, GMA resident Political Analyst nang makapanayam ko noong Biyernes sa DZBB 594 khz.

Ayon kay Heydarian, posibleng matapos pa ni Duterte ang kanyang termino bago pa man makapagpalabas ng desisyon ang ICC.

Aniya, sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ng ICC kung mayroon silang hurisdiksyon kay Duterte. Hindi pa pinag-uusapan ang merito ng kaso ng umano’y pang-aabuso ni Duterte sa sangkatauhan.

Pangunahing impormasyon ay ang mga sinumpaang salaysay ng mga saksi tungkol sa DDS o Davao Death Squad.

“Kung sa tingin ng ICC ay walang ginagawa ang mga korte sa Pilipinas kay Duterte ay tsaka pa lamang sila aaksyon,” ayon kay Heydarian.

Si Duterte aniya ang kauna-unahang personalidad sa Asya na sinusuri ng mga opisyales ng ICC

Para kay Heydarian malayo pa ang laban.

BALITAWIT

Hinahanap-hanap Kita (Rivermaya)

Adik Sa’yo
Adik palagi
Di pa sawa sa ‘king
Mga kuwentong EJK!

Tungkol sa ‘yo
At sa patayan…
Iyong utos, dating buhay
Tuloy ang droga sa isipan ko’y ikaw!

REFRAIN:
Sa umaga’t sa gabi
Sa bawa’t minutong lumilipas
Hinahanap-hanap ka na!
Hinahanap-hanap ka na!

Sa ICC wag mainip…
Bawat tanong handang-handa siya…
Hinahanap-hanap ka na!
Yes
Sabik sila
Antonio lalo na
Mapahiya sa wentong parang telesine

Ang ating ending
Katok sa bahay nyo
Sabay goodnight, sabay tutok
Sabay bye-bye, Oh

REFRAIN:

Sa umaga’t sa gabi
Sa bawa’t minutong lumilipas
Hinahanap-hanap ka na!
Hinahanap-hanap ka na!

Sa ICC wag mainip…
Bawat tanong handang-handa siya…
Hinahanap-hanap ka na!
Sa umaga’t sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita

(Insert DU30 on Drugs)

Ohhh…
Sa umaga’t sa gabi
Sa bawa’t minutong lumilipas
Hinahanap-hanap ka na!
Hinahanap-hanap ka na!

Sa ICC wag mainip…
Bawat tanong handang-handa siya…
Hinahanap-hanap ka na!