Abante Tonite Interactive

Oh Yeon Seo at Kim Bum magdyowa na

By
3,486

MAGKAHALONG lungkot at tuwa na rin para sa South Korean actress na si Oh Yeon Seo ang naramdaman ng mga fan nang biglang bumulaga sa lahat ang balitang may boyfriend na ito. At ang boyfriend niya ay ang South Korean actor na si Kim Bum.

Si Oh Yeon Seo ang leading lady ng South Korean actor/host/singer na si Lee Seung Gi sa K-fantasy/drama na “Hwayugi” o “A Korean Odyssey”. Dahil sa ipinakita nilang chemistry sa drama, marami ang kinilig sa dalawa at nagsi-ship na sana nga raw ay maging real-­life sweetheart din. Pero dahil sa balita, wala na raw palang pag-asa.

March 4 lang nag-finale episode ang Hwayugi kaya fresh pa sa mga fan ang team-up nila. Kaya rin marami ang nagulat sa naging breaking news sa ilang news portal tulad ng Soompi at Koreaboo noong March 29 na sina Oh Yeon Seo at si Kim Bum na.

Parehong kinumpirma ng agencies nina Yeon Seo at Kim Bum na nasa early stage ng relasyon na ang dalawa na base sa lumabas na artikulo, ngayong March lang din nabuo.

Isang source mula raw sa Celltrion Entertainment, ang agency ni Yeon Seo, ang nagpahayag na, “After ‘Hwayugi’ ended in the beginning of March, they became friends at a gathering and naturally progressed into dating. They have feelings for each other and are getting to know each other more.”

Gayundin ang pagkumpirma mula naman sa agency ni Kim Bum na Starship Entertainment na nagkakilala nga raw ang dalawa sa isang event ng common friends nila na nauwi na sa pagdi-date.

Ayon sa source mula sa agency ni Kim Bum, “They are in the beginning stages of their relationship.”

Bukod sa katatapos na television drama ni Yeon Seo na Hwayugi, kapapalabas lang din ng pelikula ­niyang “Cheese in the Trap”. Si Kim Bum naman ay ­unang nakilala at kinakiligan sa ­K-drama na “Boys Over Flowers” noong 2008 at hu­ling napanood noong 2016 sa K-drama na “Mrs. Cop 2”.