Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ohtani pabibo

0 64

MATIKAS na kinamada ni Shoei Ohtani ang mound, inari naman ni Vladimir Guerrero Jr. ang plate at tinalo ng American League ang National League 5-2 sa MBL All-Star Game nitong Martes sa Denver.

Naglaro sa 100 mph ang mga bato ni Ohtani, perpekto sa isang inning tungo sa panalo.

Pinayanig ni Guerrero ang Coors Field nang kumonekta ng 468-foot home run.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagdukwangan sa railings sa dugout ang players ng magkabilang team para panooring pumalo si Ohtani. Kumana ang Japanese sensation ng 0 for 2 sa batting, dalawang beses na grounded out bilang leadoff man at designated hitter ng AL.

Pasiklab din ang teammate ni Ohtani sa LA Angels na si Jared Walsh, kumaripas, nag-slide at sinalo sa left field ang liner ni Kris Bryant habang loaded ang bases sa eighth inning.

Naging pinakabatang All-Star Game MVP si Guerrero, 22. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.