Abante Tonite Interactive

OIC muna sa barangay

By
21

Umani ng maraming pagsang-ayon ang panukala ng minorya sa kongreso na pansamantalang magtalaga ng mga officer in charge (OIC) bilang kahalili ng kasalukuyang mga opisyal ng barangay.

Panukala ng ilang kongresista, sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) maaring magtalaga ang Office of the President (OP) ng OIC sa mga barangay hanggang sa sumapit ang halalan na nakatakda sa Oktubre ng susunod na taon.

Ayon kay Minority Leader Danilo Suarez, tama lang na huwag munang ituloy ang barangay elections para masolusyonan na muna ang problema sa pagkakasangkot ng mga opisyal ng barangay sa kalakaran ng iligal na droga.

Gayunman, nilinaw ni Suarez na tutol ang sila sa pananatili sa puwesto ng mga incumbent official kapag nai-postpone na ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) polls dahil matatapos na ang kanilang termino bilang mga halal na barangay captain at barangay kagawad pagsapit ng buwan ng Disyembre ngayong taon.

Ayon sa panukala ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ipagpaliban ang pagdaraos ng barangay at SK elections na nakatakda sana sa ika-31 ng Oktubre ngayong taon. Isasagawa ang eleksyon sa barangay at SK sa ika-apat na Lunes ng buwan ng Oktubre sa 2017.

Meron pa rin namang barangay captains ang matitino subalit pabor tayo na baklasin na sa kanilang posisyon ang mga sangkot sa iba’t ibang krimen.

Mayroon lang tayong tanong, saan manggagaling ang mga itatalagang OIC? Dapat ay wala silang interes sa barangay. Dapat ay hindi sila mga dating ka­pitan o kagawad at walang kamag-anak at sila mismo ay walang planong tumakbo sa susunod na eleksyon.

Isa pang tanong, ang mga meyor o kongresista ba ay bibigyan ng kapangyarihang mag-appoint ng OIC? Baka ang mga bata-bata lang ng nakaupong alkalde ang maipuwesto bilang mga OIC diyan?

Ang maganda rin dito, mas madali silang imbestigahan kung sila ay nasangkot sa iligal na aktibidad kung sila ay wala na sa puwesto.

Kapag sumapit ang kampanyahan sa susunod na taon, hindi rin nila magagamit ang sasakyan ng barangay para sa kanilang personal na interes.

Dapat din na i-lifestyle check sila. Imbestigahan kung paano sila nakapagpundar ng mga properties gayung napakaliit ng suweldo ng isang kapitan o kagawad ng barangay.

****

Simula sa Lunes, Setyembre 5, 2016, ay mapapa­kinggan at mapapanood na ang ating bagong programa sa radyo at TV. Ang ORO MISMO ay sasahimpapawid sa ganap na alas-tres hanggang alas-kuwatro ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Mapapakinggan sa DZRJ 810 Khz.AM at mapapanood sa 8Tri-TV Cable Link Channel-7 ng 8Trimedia Broadcasting Network. “Ang Himpilan ng Bawat Pilipino!

Bisitahin ang aming WEBSITE: www.8trimedia.com. Puntahan ang Broadcast Live link http://8trimedia.com/broadcast-live/ para masubaybayan ang live streaming ng aming mga programa.

Makikita rin ang mga link para sa ating social media accounts tulad ng Facebook, Twitter at Instagram. Ang ating mga contact sa textline 0917-798-8910 at hotline 412-0288.

Maaari ninyo nang mapanood ang replay ng paboritong ninyong programa sa 8TriMedia Broadcas­ting Network DZRJ 810.