Abante Tonite Interactive

Oil price hike: .65 sa gasolina, .55 kerosene at .35 sa diesel

By
134

Nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa pangu­nguna ng PTT Philippines ngayong umaga (Oktubre 24).

Sa ipinadalang text massage ng PPT Philippine­s tumaas ng P0.65 kada litro ang kanilang gasolina at P0.35 naman sa diesel na epektib­o ngayong alas-sais ng umaga, habang wala namang paggalaw ang kerosene­.

Sumunod namang nag-anunsyo ang Flying V at epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggab­i na kahalintulad din ng halaga 65 sentimos sa litr­ ng gasolina, 55 sentimo­s sa kerosene at 35 sentimo­s naman sa diesel.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kompanya sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price ­adjustment at bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigan­g pamilihan­.