Abante Tonite Interactive

Oil price rollback ngayon

187

Nagpatupad ng katiting na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng la­ngis sa bansa na epektibo ngayong umaga (Hulyo 23).

Sa abiso ng kompanyang Pilipinas Shell, Petrogazz, Phoenix Petroleum, Unioil, Seaoil, nasa P0.25 kada litro ang binawas sa kanilang gasoline habang P0.20 kada litro sa diesel.

Nasa P.040 kada litro naman ang bawas presyo sa kerosene na epek­tibo ngayong alas-sais nang umaga.

Ang nabanggit na rollback ay bunsod ng panibagong paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigan merkado.

Inaasahan naman na susunod pa ang ilang pang kompanya ng langis kabilang ang dalawang tinaguriang ‘Big3’ at maliliit pang kompanya.

Magugunitang limang sunod-sunod na linggo nagpatupad ng oil price increase ang mga kompanya ng langis sanhi ng pagtaas ng presyo ng produktong langis sa world market. (Armida Rico)