Abante Tonite Interactive

Oil pricing data pinasusumite sa Kamara

By
120
Binalaan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang mga kompanya ng langis na isumite na ang oil pricing data na hinihirit ng House ­committee on energy noon pang Oktubre 2017.

 

Kapag hindi tumalima ay gagamitin na aniya ang kapangyarihan ng Kamara para makastigo ang mga pasaway na kompanya.

 

“We will be constrained to invoke the coercive powers of the Committee, like the subpoena and contempt citations,” pagdidiin ni Zarate.

Mahigit isang taon na aniya ang nire-request na datos sa presyuhan ng langis mula sa pag-import, freight, land transportation, additives at lahat ng proseso na nagdadagdag sa presyo ng langis pero wala pa rin.
“The data we requested was long overdue especially since they promised that they would submit it by November 2017. It is already 2019 and still no complete data was given,” ani Zarate. ­