Abante Tonite Interactive

Oil pricing data pinasusumite sa Kamara

277

Binalaan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isa­gani Zarate ang mga kompanya ng langis na isumite na ang oil pri­cing data na hinihirit ng House Committee on Energy noon pang Oktub­re 2017.

Kapag hindi tumalima ay gagamitin na ani­ya ang kapangyarihan ng Kamara para makastigo ang mga pasaway na kompanya.
“We will be constrained to invoke the coercive powers of the Committee, like the subpoena and contempt citations,” pagdidiin ni Zarate.

Mahigit isang taon na aniya ang nire-request na datos sa pres­yuhan ng langis mula sa pag-import, freight, land transportation, additives at lahat ng proseso na nagdadagdag sa pres­yo ng langis pero wala pa rin.

“The data we requested was long overdue especially since they promised that they would submit it by November 2017.

It is already 2019 and still no complete data was gi­ven. The data is very important especially now with the implementation of the 2nd tranche of the TRAIN Law and the continuous increase in pump prices,” paha­yag ni Zarate.

Tinuligsa rin ng solon ang Department of Energy (DOE).

Ayon kay Zarate, huwag nang magpalusot o mag-imbento ng excuse ang DOE na hindi nito alam na puwedeng hingin ang mga datos na kinakailangan para makuwenta ang tunay na presyuhan ng langis sa bansa.