Abante Tonite Interactive

Ok bang gumamit ng pantyliner?

By
2,306

Ayon sa mga dermatologist at gynecologist, hindi masama at walang problema sa paggamit ng pantyliner o panty shield. Nakakatulong ito para maging feeling dry, komportable at mapanatili ang hygiene.

Tiyakin lang na ‘di magkakaroon ng allergic reaction at skin irritation ang gagamit para iwas na rin sa sugat o impeksyon. Gamitin lang ito sa tamang paraan, palitan nang madalas at ‘wag hayaang mababad sa feminine area.

Kung hindi naman kinakailangan ay ‘wag nang gumamit ng pantyliner sa halip ay:

Abante Hiring – IT dep

Cotton na underwear na lang ang gamitin

Tiyaking komportable at ‘di masikip ang suot na underwear para iwas kulob at sugat-singit.

Laging magpalit ng panty lalo na kung may discharges.

Ugaliing maghugas para iwas impeksyon sa puwerta, Gumamit ng mild soap o feminine wash at banlawang mabuti

‘Wag gumamit ng pabango o lotion sa puwerta

Sa mga gumagamit ng lubricants, maghugas nang mabuti bago at pagkatapos itong gamitin

Tamang pagpunas, paghuhugas ng ari lalo na pagkatapos ­dumumi

Umpisahan itong punasan, hugasan, sabunan at banlawan mula sa harap patalikod.

Ito ay upang ‘di mapasukan ng bacteria ang puwerta mula sa puwitan.