Abante Tonite Interactive

Ok lang karibal ang bading kesa babae – Yen

0 190

Ibang experience kay Yen Santos ang pelikulang “Two Love You” dahil bukod sa nag-enjoy siya nang todo sa paggawa nito, sinabi ng Kapamilya actress na hindi lang ito basta comedy movie.

“Second movie ko na ito, ‘yung first ay ‘Northern Lights’. Iba naman ‘yun dahil luma-love team ako roon, eh. Siyempre Piolo Pascual iyon, eh. So ito naman, bago sa akin dahil comedy, mga Beks ang kasama ko, masaya lang, light lang,” nakangiting sambit ni Yen.

Dagdag pa niya, “Pero hindi lang comedy itong ‘Two Love You’, hindi porke nandiyan sina Lassy at MC ay puro katatawanan lang ito. Dito’y maraming life lessons, marami kang matututunan about love, about sacrifices, forgiveness…. Pero ipinapangako namin na fun ito. Kung gusto mo lang na maging masaya, kung gusto mo lang na tumawa, eto na ‘yung pelikulang para sa iyo.

“I know na everyday ay parang stress ka na sa buhay mo, sa work and of course sa traffic. But I promise you na worth it itong traffic na ipupunta mo sa sinehan.

“Kasi, minsan lang nabibigyan ng pagkakataon ‘yung unconventional family, so parang gusto naming ipakita na may ganoong klaseng love talaga. Na pagdating sa pag-ibig ay walang pinipiling gender. Sabi ko nga, you don’t fall in love with the gender, you fall in love with the person.”

Dito’y may love triangle sina Yen, Lassy Marquez at Hashtag Kid Yambao at nang usisain namin siya ay ‘di pa raw niya ito nararanasan in real life. Pero aminado si Yen na mas okay sa kanyang makaribal ang isang bading, kaysa babae.

“Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sakaling mangyari iyon, but siguro ay hindi ganoong kasakit. Siguro mas masakit kapag ipagpalit niya pa ako sa babae, siguro ay mas matatanggap ko pa, baka sabay pa kaming mag-shopping. Baka maging friends pa kami, alam mo iyon?

“Kasi nga, ako, hindi ako against sa kahit anong gender. But siguro kung boyfriend ko, baka iyon nga, hindi ganoong kasakit. Mas masakit kapag sa babae ka ipinagpalit, mas ito, feeling ko ay mas maiintindihan ko siya. Kasi alam ko iyong feelings, minsan pa nga, mayroon kang kailangang protektahan at hindi mo mailabas iyong totoo mong feelings, I know kung gaano kahirap iyon, ‘di ba?

“But kung mangyari man iyon sa akin, siguro ay mas maiintindihan ko siya, mamahalin ko pa rin siya bilang kaibigan,” esplika pa ng aktres.

Ang “Two Love You” na mula sa OgieD Productions, Inc. at Lonewolf Films, released by Viva Films ay tinatampukan din nina MC Calaquian, Arlene Muhlach, Dyosa Pockoh, Marissa Sanchez, Elaine Yu, at iba pa.

Directed by Benedict Mique, showing na ang pelikula sa November 13. (Nonie Nicasio)