Abante Tonite Interactive

Okada kasuhan sa $3M estafa – DOJ

735

Binaligtad ng Department of Justice (DOJ) ang naunang rekomendasyon ng Parañaque City Prosecutor’s Office na ibinasura ang mga kasong estafa na isinampa laban sa Japanese gaming tycoon na si ­Kazuo Okada.

Base sa resolusyon ni Assistant State Prosecutor Alejandro Daguiso, nakitaan ng probable cause para sampahan ng 3 counts of estafa si Okada kaugnay sa paglustay nito ng $3 milyong pondo ng Okada Manila.

Isinampa ng Tiger Resort Leisure and Entertainment Inc., na siyang may-ari ng Okada Manila, ang mga naturang kaso sa DOJ laban sa ga­ming tycoon na inakusahan ng illegal disbursement ng pondo ng kompanya na umaabot sa $3 milyon para sa consultancy at suweldo nito noong nagsisilbi pang chief executive officer ng nasabing casino hotel and resort.

Inirekomenda rin ng DOJ na kasuhan ng conspiracy ang umano’y kasabwat ni Okada na si Takahiro Usui, na dating presidente ng natu­rang kompanya.