Abante Tonite Interactive

Okafor kinagat ang Nuggets

165

Ginawang tuntungan ng New Orleans Pelicans ang 122-107 victory sa Denver Nuggets para masungkit ang unang panalo sa limang laro ngayong season.

Umiskor si Jahlil Okafor ng 26 points, nag-ambag si Brandon Ingram ng 25 para sa Pelicans Huwebes ng gabi.

Hindi pinaporma ng depensa ng Pelicans si reigning first team All-NBA center Nikola Jokic na nagkasya lang sa 13 points, 6 rebounds at 6 assists para sa Nuggets na tumikim ng back-to-back losses matapos ang 3-0 start.

“More so than anything, I thought we were locked in defensively,” ani New Orleans coach Alvin Gentry. “I think we did a really good job, especially on Jokic.”

Nambarako ng 20 points sa second half si Okafor, at bumiyahe ang fifth-year center sa stripe ng career high 13 times, 10 ang ipinasok.

Mula nang dumating galing Los Angeles Lakers, umiiskor si Ingram ng 22 o higit pa sa first five games niya sa Pelicans.

Nagdagdag si Jrue Holiday ng 19 points at 7 assists sa New Orleans. May 21 points mula 8 of 10 shooting si Frank Jackson. (VE)