Abante Tonite Interactive

Okay lang lumaban sa big time

447

Sunod-sunod ang mga derby mga klasmeyt, ­kahit saang lupalop ng bansa ka magpunta ay may mga ­laban, kaya naman ­mamimili ka na lang ng lalaban.

Kung hanap mo pera ­siyempre doon ka sa magaan na laban, mga 2-Cock o 3-Cock Ulutan kasi napipili mo ang kalaban.

Kapag gusto mo Fame at malaking premyo e ‘di sa timbangan ka sumali mga 5-Cock hanggang 7-Cock pero mabigat na laban doon tiyak mga super bigtime na makakaharap mo roon.

Okay lang na lumaban sa mga bigtime pare-pareho lang naman na may tari pero siyempre ‘yung iba gusto mas magaan na laban.

***

Mga kasabong next farm visit ng Sportalakan ay ‘yung mga nanalo sa katatapos na World Slasher Cup 1 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kaya abangan niyo mga klasmeyt.

Aalamin natin ang mga sikreto nila kung bakit sila nagtsa-champion.
Mapapanood natin sa Abante Online at sa YouTube ang aming interview sa kanila.

***

O nga pala dito na ako sa Sorsogan, na-assign akong mag-cover ng RONDA Pilipinas, magsisimula ang Stage 1 bukas at matatapos sa Marso 4 sa Vigan City.

Good luck sa mga siklista.