Abante Tonite Interactive

Okra gamot sa litaw na ugat, bakterya sa ari

376

‘Wag basta isnabin at maliitin ang okra dahil sinasabing nakakatulong itong magamot ang mga taong may syphilis.

Ang syphilis ay ang pagkakaroon ng bacteria sa ari. Maaari umano itong panghugas gamit ang tubig na pinagbabaran ng ugat ng okra.

Bukod dito’y malaking tulong din ang okra na palubugin ang mga varicose vein o nag­litawang mga ugat sa katawan at nakakapagpahupa rin ng rayuma sa pamamagitan ng pag-inom ng pinag­lagaan ng ugat ng okra.

Abante Hiring – IT dep

Sa mga tao namang may UTI o urinary tract infection ay maaa­ring magamot ng pag-inom ng pinaglagaan ng bunga ng okra ang problema sa pag-ihi.

Gayunpaman ipinapayo na bago isagawa ang mga ito, para makasigurado ay mai­ging sumangguni muna sa doktor dahil epek­tibo man ang paraang ito sa ilan ay maaaring hindi naman umubra sa kalusugan ng iba depende na rin sa kanilang kondisyon.