Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Oladipo maaring pitikin ng Pacers

0 149

Matagal nang usapan na pakakawalan ng Indiana si Victor Oladipo, mula pa noong bumalik galing injury ang star guard.

Umugong muli ang balita ngayong offseason habang palapit ang draft.

Naka-13 games lang si Oladipo sa Pacers nitong 2019-20, mas mahaba ang ginugol niya sa rehabilitasyon ng ruptured quadriceps tendon. Nakuha niya ang injury noong January 2019, nag-rehab ng buong taon bago nakabalik January 2020 rin.

Handa na siyang bitawan ng Pacers na iikot na kina Domantas Sabonis, Myles Turner at TJ Warren.

Kumalat sa social media kamakailan na sa harap ng sariling teammates ay nagtatanong si Oladipo sa ibang teams kung puwede siyang lumipat.

Maraming interesado sa 28-year-old, pero binaril agad ng 2013 2nd pick overall ang mga bali-balitang lalayasan niya ang Indiana.

“I know there have been people saying that I have asked players to trade me. That’s not true, period. I love my teammates, I cherish the state of Indiana and I’m focused on leading this franchise to a title,” git ni Oladipo sa The Athletic.

Malinaw na, ayaw niyang umalis sa Indiana. Ibang usapan kapag Pacers ang gustong mag-trade sa kanya. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.