Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Olalia, Alay-ay murder case: 3 sa RAM hinatulang guilty

0 59

Matapos ang mahigit tatlong dekada ay nakamtan na ang hustisya at nahatulan ng guilty ang tatlong miyembro ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) sa pagpatay sa labor leader na si Rolando ‘Ka Lando’ Olalia at driver nitong si Leonor Alay-ay noong 1986.

Sa isang video conference, Martes ng hapon, guilty sa dalawang bilang ng murder ang inihatol ni Presiding Judge Marie Claire Victoria Mabutas Sordan ng Antipolo Regional Trial Court Branch 97 laban kina dating Philippine Navy sergeants Desiderio Perez, Dennis Jabatan at Fernando Casanova.

Sinentensyahan sila ng reclusion perpetua o pagkakakulong na mula 20 hanggang 40 taon.

Nabatid na ang tatlo ay kasama sa 13 RAM members na nakakulong at hinatulan ng guilty.

Isa sa mga akusado na si Col. Red Kapunan ay kasalukuyang Philippines’ Ambassador to Germany na na-clear noong 2016 matapos ibigay ng sapat na dokumento na mosyon habang ang siyam ay pinaghahanap pa.

Sina Perez, Jabatan at Casanova ay mga miyembro ng RAM, isang grupo ng Philippine military na gumawa ng ingay sa nagdaang EDSA Revolution para ipatapon ang diktador na si Ferdinand Marcos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sangkot din ang RAM sa serye ng palyadong kudeta sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Corazon Aquino.

Ginawad award naman ng korte ang P1.2 milyong danyos kay Olalia at P900,000 danyos kay Alay-ay.

“We happily accept the decision of the court in finding the three guilty for the death of Rolando Olalia and Leonor Alay-ay,” ayon kay Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat.

Sinabi ng mambabatas na patuloy silang hihingi ng katarungan para sa pagpatay kina Olalia at Alay-ay noong Nobyembre 13, 1986 na tinorture at itinapon sa madamong bahagi ng Antipolo City.

Isang special task force ang binuo para maresolba ang kaso at mahuli ang iba pang sangkot na RAM member. (Vick Aquino/Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.