Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Olats sa e-sabong nagbigti

0 52

Idineklarang dead on arrival sa Sta. Ana Hospital ang isang delivery boy matapos na magbigti nang matalo sa online sabong o talpakan, Huwebes ng umaga, sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang biktimang 28 taong gulang, may ka-live in, at residente ng nasabing distrito sa lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ni Police Staff Sergeant Dennis Suba, nadiskubreng nakabitin ang biktima alas-8:00 ng umaga, kahapon, sa kanyang bahay sa Brgy. 873, Zone 96.

Nabatid na natalo umano ng halagang P32,000 ang biktima sa online sabong na kinagigiliwan ng mga Pinoy na sugal sa ngayon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naniniwala naman ang nakatatandang lalaking kapatid ng biktima na walang foul play sa pagkamatay ng biktima kaya hindi na niya pinaimbestigahan pa ang insidente.

Samantala, may inilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may tanong tungkol sa mental health, kailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin o nanganganib mag-suicide.

Maaaring tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727 o 0908-639-2672) o telepono (1553). (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.