Abante Tonite Interactive

Old jersey ni ex-US Pres. Obama nabenta ng 6M

293

Naibenta na ang lumang jersey ni dating US President Barrack Obama sa halagang $120,000 o katumbas na P6.2M sa Dallas Auction House nitong Martes.

Maaalalang ginamit ng unang African-American US president na si Obama ang number 23-jersey noong 18-anyos palang siya bilang senior year sa Punahou high school sa Hawaii.

Kilala si Obama, ang ika-44 na pangulo ng Estados Unidos, bilang isang basketball fan at kadalasang nakikita ring naglalaro noon sa White House kasama ang presidential staffs, celebrities at iba pang bisita.

Ang nasabing jersey ay nagkakahalaga lang dati ng $100,000 bago pa ito naibenta sa mataas na nasabing presyo. (Aivan Episcope)