Abante Tonite Interactive

Olivarez lamang sa kalaban

550

Lalong lumayo ang kalamangan ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa kanyang katunggaling si dating Mayor Florencio Bernabe, Jr., ayon sa pinakabagong mayo­ralty survey para sa midterm election sa isang buwan.

Nabatid sa survey ng Publicus Asia Inc. na isinigawa nitong March 16 to 17, nakakuha si Olivarez ng 61.21 % kumpara kay Bernabe Jr. na nakakuha lamang ng sa 27.36 %.

Sa na naunang survey, na isinagawa ng Publicus Asia Inc., na ginawa bago magsimu­la ang kampanya sa local na position, nakakuha ng 48% si Olivarez kumpara kay Bernabe Jr., na nakakuha naman ng 10%.

Umangat si Olivarez ng halos 13.20 % kung ngayon gagawin ang halalan.
Samantala, si kasaluku­yang Vice Mayor Rico Golez at ka-tandem ni Olivarez ay na­ngunguna laban kay dating BF Barangay Chairman Jeremy Marquez na kapartido naman ni Bernabe, Jr.

Nakakuha si Golez ng 61.32 % kumpara sa 31.19 % lamang ni Marquez.