Abante Tonite Interactive

Olivarez nanguna sa Parañaque survey

545

Karamihan sa mga incumbent local official ang mga nangunguna sa mayoralty survey para sa midterm election na idaraos sa darating na Mayo.

Kabilang dito si reelectionist Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at base sa survey ng RP Mission and Deve­lopment Foundation Inc. na isinagawa mula nitong Pebrero 1 hanggang 10, nakakuha ng 43% ang naturang alkalde laban sa katunggali nitong si dating Parañaque City Mayor Florencio Bernabe Jr., na nakakuha ng 15%.

Sa resulta pa rin ng RP Mission ‘Halalan 2019 Survey,’ nakakuha naman ng 75% sina incumbent Mayors Bobby Eusebio ng Pasig City; Abigail Binay, ng Makati City na nakakuha ng 70%; 68% naman si Imelda Aguilar, ng Las Piñas City.

Nabatid na sa naunang survey, na isinagawa ng Publicus Asia Inc., muling nakakuha ng 48% si Olivarez kumpara kay Bernabe Jr., na nakakuha naman ng 10%.

Ang non-commissioned survey ay mula sa 1,800 respondent na isinagawa ng Publicus Asia, na pinangunahan ng founder/CEO, political strategist, TV host at kolumnista na si Malou Tiquia.

Nabatid, na si Vice Mayor Joy Belmonte ang top choice bilang alkalde sa Quezon City, na nakuha ng 72% kontra kay Rep. Vincent ‘Bingbong’ Crisologo, na nakakuha lamang ng 18%, na isinagawang survey mula sa 2,500 respondent sa National Capital Region.

Si dating Manila Vice Mayor Isko Moreno ay nakakuha ng 45%; Ma­yor Joseph Estrada, 26% at dating Mayor Alfredo Lim ay nakakuha naman ng 24%.

Samantalang si Pa­say City Rep. Imelda Calixto-Rubiano, kapatid ng kasalukuyang alkalde na si Antonino Calixto, ay nakuha ng 53%; ang kapatid ni Sharon Cuneta na si Chet Cuneta ay nakakuha ng 16%. ­