Abante Tonite Interactive

Olivia Newton-John buhay pa

By
0 145
Matinding pinabulaa­nan ni Olivia Newton-John ang lumabas na balitang pumanaw na siya.

 

 

At para patunayang buhay na buhay pa siya ay nag-post siya ng video kung saan masaya niyang binati ang kanyang mga tagahanga ng Happy New Year sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

 

Matatandaang noong Set­yembre ay inamin ng 70-year-old Australian star na na-diagnose siyang may cancer sa pa­ngatlong pagkakataon.
Mula nang ito ay unang­ ma-diagnose ng cancer noong 1992 ay naging campaigner na siya at itinayo niya ang Olivia Newton-John Cancer and Wellness research sa Melbourne.

 

Lately ay sobra nang exagge­rated ang mga naglalabasang balita na kesyo ang legendary Grease star ay yumao na mabilis naman niyang kinontra.

 

At napatunayan naman nilang totoo ngang very much alive and kicking pa ang Hopelessly Devoted singer nang matiyempuhan siya ng mga TV camera na nagla-lunch kasama ang kanyang husband of 10 years, na si John Easterling sa isang restoran.

 

 

Hindi rin nagustuhan ni Olivia ang lumabas na balita.

 

Gusto pa raw niyang masaksihan ang wedding ng kanyang daughter na si Chloe Lattanzi, sa kanyang longtime fiancé na si James Driskill later this year.