Abante Tonite Interactive

Olivier, Villazor, PH Volcanoes pakondisyon sa 2019 Asia Rugby

149

By Myris Lee

Sumipa na ang walong araw na high intensity training­ camp ng First Pacific Volcanoes bilang preparasyon sa nalalapit nilang pagsabak sa 2019 Asia Rugby Men’s Championships sa May 29 hanggang June 1 na idadaos sa Taipei.

Kakaharapin ng Philippine Volcanoes sa kumpetisyon ang mga top rugby teams ng bansang Singapore, Sri Lanka at Chinesse Taipei, Kung saan unang kakaharapin ng Volcanoes ang power house Sri Lanka sa May 29.

Gagabayan ni Coach Stu Woodhouse ang koponan kasama sina Patrice Ortiz Olivier, Justin Villazor Coveney, Eric Cruz Erickson at Vincent Amar Young sa national training camp.