Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Olongapo hinigpitan border checkpoint, COVID case sumirit

0 299

Tinatayang aabot sa mahigit tatlong oras ang daloy ng trapiko mula sa bayan ng Subic Zambales papasok sa lungsod ng Olongapo matapos muling maghigpit ng boarder checkpoint sa lungsod na ipinatupad kanina.

Ayon kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr., ibinalik ang paghihigpit sa mga boundaryng Olongapo para agad malaman ang mga lalabas at papasok ay mga authorized person outside residence at locally stranded individual lang na may travel pass.

Kasunod ito nang pagkakatala ng 8 bagong positibong kaso sa lungsod. Hahanapan ng travel pass ang sinuman lalabas ng lungsod habang ang mga papasok naman dito ay kailangan magpakita ng medical certificate at travel pass kung galing sa mga karatig bayan o probinsya nito.

Habang ang mga empleyado naman na residente ng Olongapo at residente sa loob ng Subic Bay Freeport ay kailangan lamang magpakita ng Company ID para makadaan. (Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.