Abante Tonite Interactive

Olympian Catlin nag-suicide

185

Natagpuang patay ang Olympic track cyclist na si Kelly Catlin nitong Biyernes sa kanyang tinitirhan sa California.

Nakasungkit ng silver medal si Catlin sa team pursuit event ng 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Pinakahuling gold medal ni Catlin, 23, ang 2018 World Championships nang giyahan ang US women’s pursuit team. Tatlong sunod na niyang inokupahan ang top podium ng event.

Abante Hiring – IT dep

Kinumpirma ng kanyang amang si Mark Catlin sa VeloNews na nag-suicide si Kelly.

“There isn’t a minute that goes by that we don’t think of her and of the wonderful life she could have lived,” bahagi ng sulat ni Mark sa VeloNews. “There isn’t a second in which we wouldn’t freely give our lives in exchange for hers. The hurt is unbelievable.”

Kumarera rin ang tubong Minneapolis na si Kelly sa Rally UHC Pro Cycling Team.