Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Olympian Memorial sa Tarlac

0 55

Minungkahing pagtayuan ng Philippine Olympian Memorial ang New Clark City Sports Complex sa Tarlac bilang paggunita sa mga bayani sa sports.

May akda ng House Bill 10096 o Philippine Olympian Memorial Act ito si Deputy Speaker Eric Martinez ng Valenzuela City Second District, na dumalo sa online weekly PSA (Philippine Sportswriters Association) Forum Martes.

Hinirit niya sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media, na pagkilala ang pakay niya sa mga Olympian pagkaraang wakasan ni weightlifter Hidilyn Diaz ang 97 taong tagtuyot sa gold medal ng bansa sa quadrennial sports conclave. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.