Abante Tonite Interactive

Olympian swimmer ibang ‘sisid’ ang trip

711

Hindi lang pala talagang magaling sumisid at lumangoy si premyadong swimmer.

Madalas siyang makikitang maraming kasamang artistahin at naggagandahang kababaihan tuwing nagsasagawa ng paborito niyang gawin na pool party.

Akala ng kanyang mga kaibigan ay talagang mahilig sumisid ng “tahong” at lumangoy nang matagal kasama ang mga magagagandang chika­babes si swimmer.

Minsan na nagsagawa ito ng kanyang paboritong pool party ay hindi sinasadyang nakita ito ng kanyang itinuturing na girlfriend na sumisisid subalit hindi para sa “tahong” kundi nilalanguyan ang isang “longganisa.”

Agad na umalis ang tisay na madalas ipakilala ni swimmer bago nakipaghiwalayan nang tuluyan.

Minsan na ding napasailalim sa disciplinary action ang swimmer ng kanyang kinaaanibang koponan matapos mahuli na nangangamoy sa isang uri ng ipinagbabawal na damo.