Abante Tonite Interactive

Olympic qualifier sa 3 sports kumpleto na

329

TATLONG sports pa lamang ang nakakakumpleto ng kanilang buong kuwalipikasyon bago naganap ang pinakaunang pagkaka-postpone na isinagawa ng Internaitional Olympic Commiteee at Japan Organizing Committee sa 2020 Tokyo Olympics.

Ang tatlong sports na nakumpleto na ang kanilang qualification para sa Tokyo 2020 ay ang equestrian, hockey at volleyball.

Ang iba pang sports tulad ng weightlifting, judo at skateboarding ay wala pa rin na kumpirmadong qualifier dahil sa kailangan nitong sundin ang ginagamit na world rankings para madetermina ang atletang sasali sa Games.

Sa kabuuan ay mababa pa sa 20 porsiyento ng atleta ang nakapagkuwalipika sa ibang sports.

Inihayag ng IOC na ang Federations ay kailangan na “retain full discretion to define the new ranking deadline and pathway”, bagaman nagbabala na kailangan ng balanse para “it needs to be found between protecting those athletes who were close to qualifying based on the previous 2020 deadlines, while also ensuring the participation of the best athletes at the Olympic Games Tokyo 2020 by allowing the top performers of the 2021 season to qualify”.

Ang kumpirmasyon base sa bagong deadline at iba pang klaripikasyon sa qualification process ay inaasahang mag-aalis sa pagkabahala sa mga atleta matapos ang desisyon na iusog ang Olympics sa sunod na taon.

Tinatayang 57 porsiyento pa lamang ng inaasahang 11,000 atleta ang nakapagkuwalipka sa Tokyo 2020 bago nakansela ang torneo. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad