Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Olympic Qualifiers: Pauline laglag sa quartefinals

0 213

MULING nabigo ang 2018 Asian Games bronze medalist na si Pauline Louise Lopez na makatuntong sa Olympics matapos itong mabigo sa quarterfinals kontra Laetitia Aoun ng Lebanon sa 2021 Asian Taekwondo Olympic Qualification Tournament sa Amman, Jordan.

Nahawakan pa ni Lopez ang 6-3 abante sa unang round subalit unti-unting nakaganti ang kalaban sa huling dalawang round upang malasap ng tinanghal na 2019 Southeast Asian Games gold medalist ang 10-21 kabiguan.

Samantala, tinalo ng 6th seed na si Kurt Barboba ang nakatapat na No.3 seed na si Molomyn Tümenbayar ng Mongolia, 40-33, upang sumampa sa semifinals kung saan makakatapatn nito si Zaid Al-Halawani ng host na bansa na Jordan.

Makakasagupa naman ng No. 2 seed na si Kirstie Elaine Alora at kailangan lamang talunin sa semifinal ang No. 2 seed na si Svetlana Osipova ng Uzbekistan upang agad na masiguro ang pagbabalik sa kada apat na taong Olympics. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.