Abante Tonite Interactive

Olympic torch relay lalarga sa Tokyo

0 318

Sa susunod na buwan, uumpisahan na ang Olympic torch relay sa Japan, indikasyon na tuloy ang Tokyo Games sa July.

Hindi mapipigil ang biggest gathering ng mga atleta sa buong mundo kahit ng coronavirus.

“I would like to make it clear again that we are not considering a cancellation or postponement of the games. Let me make that clear,” pahayag ni organizing committee president Yoshiro Mori sa International Olympic Committee official sa Tokyo.

Kinumpirma ng Japan na halos 250 ang kaso nila ng corona virus, 218 dito mula sa cruise ship na naka-quarantine sa Yokohama port malapit sa Tokyo.

Nitong Huwebes ay inireport ng bansa ang unang kaso ng namatay dahil sa virus.

Sa March 26 ang opening day ng relay. Dinagdag sa mga dadaanan ng torch ang Futaba town sa Fukushima, lugay in-evacuate noong 2011 dahil sa Fukushima nuclear disaster. (VE)