Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Olympics nanganganib

0 108

NAMEMELIGRONG maipagpaliban sa ikalawang pagkakataon o tulyan nang kanselahin ang 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset sa July 2021 Tokyo Olympics dahil sa patuloy na pamemerwisyo ng Covid-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ang giniit ni London 2012 Games organizing committee deputy chairman Keith Mills na hinirit na dapat na gumawa ng mga plano ang Tokyo para kanselahin ang quadrennial sportsfest.

Pero nananatiling kumpiyansa ang Japan at International Olympic Committee (IOC) na matutuloy ang 2020 Summer Games sa July 23-August 8 sa kabila ng patuloy ng pandemya. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.