Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Olympics, SEA Games sabay sa 2021

0 192

Hindi lang ang 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021 nakatutok ang mga atletang Pinoy, kundi pati sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2, 2021.

Ang mga hindi makakapasa sa mga Olympic Qualifying Tournament, puwedeng makasama pa rin sa national contingent na magdedepensa ng SEA Games overall title.

Nailabas na ng host country ang 36 sports na mga lalaruin, kabilang ang basketball (5-on-5 at 3×3) at mandatory sports na athletics at aquatics.

Kasali rin ang billards, chess, archery, boxing, badminton, snooker, canoe-kayak, xiangqui, cycling (road/mountain bike), dance sports, fencing, football, futsal, golf, gymnastics (artistic, rhythmic at aerobics), handball (indoor at beach), judo, karate;

Muay, pencak silat, pétanque, rowing, sepak takraw, shoo­ting (pistol, rifle at shotgun), table tennis, taekwondo, tennis, volleyball (indoor at beach), weightlifting, wrestling (greco roman at freestyle), wushu, bodybuilding, kickboxing, kurash at vovinam. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.