Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Olympics tuloy – Bach

0 102

Kinontra ni International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach ng Germany at Japan Olympic Organzing Committee ang mga ulat na muling ang ipagpapaliban o tuluyang kanselahin na lang ang 32nd Summer Olympic Games 2020.

Nakatakdang buksan ngayong July 23 mula sa orihinal na kaparehas na buiwan sa nagdaang taon, idinadahilan sa ulat ang muling pagtaas ng kaso ng coronavirus pandemic sa iba’t ibang mga bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“No one wants to be the first to say so but the consensus is that it’s too difficult,” ayon sa isang source sa ulat ng The Times of London nitong Huwebes. “Personally, I don’t think it’s going to happen.”

Hinirit pa ng pahayagan na dapat na kanselahin, ayon sa unidentified senior member ng ruling government coalition, ang quadrennial sportsfest.

Pero giniit ng local organizing committee na hindi inihayag ang pinagmulan ng istorya kaya tuloy ang Olympics na may buong suporta kay Japan Prime Minister Yoshihide Suga.(Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.