Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ombudsman bahala sa Duterte SALN – Palasyo

0 60

Sinagot ng Malacañang ang patutsada ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas muna nito ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) kung totoong transparent sa kanyang laban sa katiwalian.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa Office of the Ombudsman ang kopya ng SALN ni Pangulong Dutere kaya maaari silang magpunta sa nasabing tanggapan kung nais makahingi nito.

“The stance of the Office of the President has been clear and consistent. We leave it to the office of the Ombudsman, an independent constitutional body, to release to the public President Rodrigo Duterte’s Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN),” ani Roque.

Ipinahayag ni Robredo sa kanyang radio program nitong weekend na dapat ipakita ni Pangulong Duterte na sinsero ito sa paglaban sa korapsiyon sa gobyerno at pangunahan ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng kanyang SALN alang-alang sa prinsipyo ng transparency.

Binigyang-diin naman ni Roque na sinunod ng Pangulo ang kanyang tungkulin na pagsusumite ng SALN alinsunod sa itinatakda ng Konstitusyon.

Gayunman, naglabas ng memorandum ang Ombudsman noong Setyember 2020 na hindi na sila magbibigay ng access sa mga hinihinging SALN ng mga opisyal ng gobyerno kung walang permiso ng opisyal na gusto nilang makunan ng kopya. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.