Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ombudsman binara ng mga negosyante sa SALN

0 30

Tinutulan ng apat na grupo ng mga negosyante ang panukala ni Ombudsman Samuel Martires na ituring na krimen ang pagbibigay ng komento tungkol sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng mga opisyal ng pamahalaan dahil paglabag ito sa karapatan ng mga taong magsalita na siyang haligi ng ating demokrasya.

Sa joint statement ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX); Integrity Initiative, Judicial Reform Initiative; at Makati Business Club, sinabi nilang may mga batas ang bansa tungkol sa libel at slander na tutugon sa mga umaabuso sa free speech at hindi na kailangan pa ng panibagong batas ukol dito.

Sabi nila, ang SALN ay bahagi ng sistema ng bansa na nakatutulong sa pagsulong ng maayos na pamamahala mula sa mga opisyal ng pamahalaan. Ang Ombudsman ay bahagi ng sistema na susupil dapat sa katiwalian at ito pa dapat ang nauuna sa pagsusulong ng transparency.

Para sa Integrity Initiative, mas tiwali pa ang pagkukubli sa SALN at panggigipit sa mga magsasalita tungkol dito kaysa sa katiwalian na dapat hinahalughog at pinaparusahan ng Ombudsman. Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.