Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ombudsman bokya kaso sa lockdown

0 194

Dahil sa COVID-19 pandemya, walang naisampang kaso ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan sa panahong naka-lockdown mula Abril hanggang Hunyo.

Aminado si Ombudsman Samuel Martirez na `all time low’ ito sa record ng nasabing tanggapan subalit hindi naman anya maituturing na kahinaan dahil may mga factor kaya ito nangyari.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“There was a time na magpa-file na sana kami ng mga kaso sa Sandiganbayan, medyo marami-rami, tinigil ko sila. Ito `yong kasagsagan na maraming nagka-COVID sa Sandiganbayan. So sabi ko huwag na,” paliwanag ni Martires.

Hindi rin umano nakatulong ang e-filing ng mga kaso dahil sa bawat kaso ay santabak din ang kalakip na mga kailangang isumiteng ebidensya.

Aminado si Martires na ang mababang bilang ng mga naisampang kaso ay resulta rin ng kanyang nauna nang direktiba sa mga prosecutor na huwag magsampa ng kaso sa Sandiganbayan hanggang sa hindi pa natatanggap ng respondent ang desisyon ng Ombudsman sa kaso. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.