Abante Tonite Interactive

OMG! Sanya, Thea nagsabunutan sa kalye

By
16,074

INAKALA ng mga social media fans ng buong casts ng Haplos sa GMA 7 na isang shoot para sa eksena ng serye nila ang sabunutan ng dalawang lead stars na sina Sanya Lopez at Thea Tolentino habang nasa background ang dalawang lead actors na ang isa ay si Rocco Nacino at si Nikki Co.

Isa pala itong good-time para sa sikat na “Tiga saan ba kayo?” at saka susundan ng isang sayaw.

Nagsasabunutan sina Sanya at Thea sa gitna nang kalye habang gulong-gulo ang mga taong nasa paligid nila.

Abante Hiring – IT dep

Tapos, biglang sumigaw si Rocco nang “Tumigil na kayo!, teka, tiga saan ba kayo?” at saka sumigaw ang dalawang aktres nang ‘Tiga-Kamias’ at saka sumayaw.

Ngayon namin na-realize na malakas pala ang panghatak ng ‘It’s Showtime’ sa ABS-CBN 2 dahil dito madalas gawin ng mga hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Amy Perez, Karylle ang ganitong wacky trend.

Though, hindi namin alam kung saan nagsimula at sino ang nagpasimuno ng ganitong dance craze pero sa It’s Showtime namin madalas itong mapanood.

Ibig sabihin, follower ng mga lead stars ng Haplos ang noontime show ng ABS-CBN 2.

Marami ang naaliw sa ginawa nina Rocco sa Instagram post nito, pero may mga nagbibiro na kahit silang mga Kapuso stars ay sumusubaybay rin pala sa mga tiga-Kapamilya artists at shows.