Abante Tonite Interactive

ONE LAST RODEO RIDE, MANU

112

Sa nakalipas na 14 na seasons, hindi nahubad kay Manu Ginobili ang San Antonio Spurs jersey No. 20.

Pero nitong summer, napaisip bigla ang Argentinian kung magsusuot ng ibang kulay ng uniporme maliban sa black-and-silver ng Spurs sa kanyang 15th season sa NBA.

Sinabi ni Ginobili sa The Vertical na seryoso ang pakikipag-usap niya sa Philadelphia 76ers.

“It was not my main option. I never wanted to leave San Antonio,” ani Ginobili sa The Vertical.

Aalis si Ginobili sa 67-win Spurs para pumunta sa 10-win 76ers?

Muntik nang mag-impake mula San Antonio si Ginobili. Hinainan siya ng Philadelphia ng two-year contract offer na nagkakahalaga ng $16 million hanggang $17 million – malaking ‘di hamak sa unang one year offer ng Spurs na $3million.

Ikinahon nina general manager RC Bufford at coach Gregg Popovich si Ginobili sa one-year deal na $14 million.

Hindi nagkaproblema ang Spurs kina Ginobili at kare-retiro lang pagkatapos ng 19-year career na si Tim Duncan na handang mag-sakripisyo ng mas maliit na take home pay para makabuo ng championship team.

Sina Popovich at Tony Parker na lang ang naiwan sa Spurs na dinatnan ni Ginobili noong kanyang rookie year.

Mag-39 na sa susunod na linggo ang Argentinian, pero may ibubuga pa at epektibo sa rotation. May isang season pa sila ng Rodeo Ride.

Isang hagupit pa, Manu.