Abante Tonite Interactive

‘One Visayas’ sinelyuhan ni Albee Benitez, 16 gobernador

By
515

Bumuo ng koalisyon ang mga political leader sa Visayas sa pangunguna ni Negros Occidental Alfredo ‘Albee’ Benitez para isulong ang pagtutulungan para sa ekonomiya at ikauunlad ng tatlong rehiyon sa Visayas.

“At least 16 governors are embracing the One Visayas concept to crea­te economic cooperation and promote the deve­lopment of the three regions of Visayas,” paha­yag ni Benitez.

Wala aniyang ano mang koneksyon sa usa­ping politika ang pagbuo sa koalisyon maliban sa ipagbigkis ang Region 6, 7 at 8.

“We just agreed to have one vision and one voice to promote the progress and development of the Visayas islands,” paliwanag pa ni Benitez sa Ugnayan sa Batasan news forum kahapon.

Binanggit pa ni Benitez na siyang chairman ng House committee on housing and urban Development, na ang Visayas ang may 50% kontribusyon sa kita ng bansa mula sa turismo, pero ang tatlong rehiyon ay nakakatanggap lamang ng mas mababa sa 20% para sa budget ng tourism infrastructure and development sa mga nakalipas na taon.

Binigyang-diin pa ni Benitez na nagkakaisa ang ‘One Visayas’ sa pagsusulong ng pederalismo.

Samantala, sinabi ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na malaking hamon na pagkaisahin ang mga puwersang politikal sa Visayas.

“If you notice, Visayas is composed of se­veral islands. The challenge is how to integrate our resources in order to achieve economic development and self-sufficiency,” paliwanag ni Evardone. ­