Abante Tonite Interactive

Onew nadismis ang kasong sexual harassment

332

tonite-annyeong-rose-garcia

Pumasok na kahapon, December 10 sa mandatory military service ang lead vocalist ng SHINee na si Onew. Kilala rin siyang si Lee Jin Ki sa totoong buhay.

Ibinahagi naman ni Onew lalo na sa mga tagahanga niya ang video. Ipinakita na ginugupitan siya ng military haircut. Nag-post din ito ng handwritten letter bilang pasasalamat at pagpapaalam pansamantala sa kanyang fan.

Sa handwritten letter na isinalin na rin sa English sa soompi.com, nag-sorry si Onew dahil matagal-tagal na raw ‘yung huling nag-post siya. Umaasa ito na “better version” of himself daw siya paglabas niya ng military. Kung may pagkakataon na mami-miss daw siya ng mga fan, sana raw ay pakinggan na lang ang kanyang kanta.

Bago nga pumasok sa military ay nag-release ng kanyang unang solo album si Onew, ang “Voice” na featured ang kantang “Blue.”

Narito ang handwritten message ni Onew.

“How are you?

“I have been bestowed a period of rest.

“I was always felt sorry (regretful), and will always feel sorry, but please treat this time as a moment for me to prepare a better version of myself to you all.

“And, most of all, health is important.

“I will wish that all of you are healthy and happy.

“I will continue to sing so, if you think of me from time to time, please listen to my voice.

“I will greet you again after I return.

“Thank you so, so much.

“See you again!”

Sa isang banda, hindi lang ito ang unang pagkakataon na magiging in hiatus si Onew sa entertainment. Nangyari rin ito pansamantala nang masangkot siya sa isang sexual harassment case noong 2017 dahil sa impluwensiya ng alak. Apat na buwan din siyang hindi aktibo.

Pero noong April 2018 ay masayang ibinalita ng kanyang management, ang SM Entertainment na dismissed na ng mga prosecutor ang mga kaso laban sa kanya.