Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ongkiko, Dionio naka-gold

0 96

Wagi ng gold medal sina Raphael Ongkiko ng College of Saint Benilde at Joshua Lyndon Dionio ng Arellano University sa 96th National Colleagite Athletic Association 2021 taekwondo speed kicking junior boys Lunes.

Bumida si Ongkiko sa middleweight/light heavyweight division sa 7.067 points habang nag-silver si John Keirth Beramo na may 6.667 at Bermel Dionela Jr. na naka- 6.458. Kapwa sila mula sa Emilio Aguinaldo College.

Namayagpag naman si Dionio sa heavyweight sa 6.592 kasunod sina Jian Alden Jose Arceo ng San Beda University( 6.017) at Bill Rolan dela Cruz ng Colegio de San Juan de Letran (5.942).

Gold winners din sina Louell Ivannerich Mamaclar ng SBU (6.500) sa light middle at Victor Emmanuel Rodriguez ng CSB (7.042) sa welterweight. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.