Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ongpin dikdik sa cocaine

0 108

Sasampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) ang anak ng bilyo­naryong si Roberto Ongpin kaugnay sa nakuhang co­caine sa kanya sa loob ng tinutuluyang hostel sa La Union kasama ang kasin­tahan na si artist-painter Bree Jonson na natagpuang patay noong Setyembre.

Ang kasong paglabag sa RA 9161 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ay nag-ugat sa isinampang kaso ng Philippine National Police (PNP) laban kay Julian Ongpin, 29.

Ayon sa DOJ ’s Panel of Prosecutors kahapon, ang kasong kriminal laban kay Julian ay isasampa sa Re­gional Trial Court ng San Fernando City, La Union.

“The same information also states that the offense is non-bailable,” saad sa resolusyon ng ahensiya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nahulihan si Julian ng higit 12 gramo ng cocaine sa loob ng isang kuwarto sa Flotsam & Jetsam Hos­tel na pinagsaluhan nila ni Jonson, na kalauna’y dineklarang dead on ar­rival sa isang lokal na os­pital noong Setyembre 18.

Una nang sinabi ng lalaki na nagkaroon sila ng pag-aaway ni Jonson noong gabi na natagpuang patay ang huli.

Aniya, ang sugat ay nakuha niya nang puwer­sahan niyang buksan ang pinto ng restroom para mailabas si Jonson.

Tinanggal ang nakababatang Ongpin sa kostudiya ng pulisya kahit pa isa pa rin siyang person of interest sa pagkama­tay ni Jonson, na iginiit ng nauna na nag-suicide. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.