Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ongpin kinontra sa Jonson suicide

0 84

Ni Nancy Carvajal

Salungat sa mga inisyal na resulta ng pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (BI) ang naging pahayag diumano ni Julian Roberto Stone Ongpin na nag-suicide ang dyowa nitong si Bree Jonson gamit ang strap ng kanyang bra na itinali sa shower ng tinuluyan nilang kuwarto sa isang resort sa La Union.

Ayon sa isang NBI insider, sa inimbentaryo nilang mga ebidensiya na nakuha sa nirentahang kuwarto ng magdyowa ay wala naman nakitang sirang underwear.

“The several lacy bra found inside the room were intact, and the no torn clothing that could have been used by Jonson,” sabi ng source.

Nabatid na mahigit 130 piraso ng mga ebidensiya ang nakuha ng mga ahente ng NBI sa isinagawang pagsisiyasat sa kuwartong inokupa nina Jonson at Ongpin, 29-anyos.

Batay sa kopya ng official police report na nakita ng Abante Tonite, inamin umano ni Ongpin sa mga pulis na nagkaroon sila ng “misunderstanding” ni Jonson bago ang sinasabi nitong nag-suicide ang dalaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon pa sa ulat, ang hostel staff na si Joselito Nebres ang tumawag sa pulisya kaugnay sa kaguluhang naganap sa loob ng kuwarto ng magdyowa at tungkol sa bangkay sa ibabaw ng kama.

Inilarawan umano ni Nebres ang kuwarto ng magdyowa na magulo.

Binanggit naman sa police report na nang dumating ang mga pulis sa lugar ay sinalubong sila ni Ongpin at agad na sinabihan umano nito na nag-suicide ang kanyang dyowa gamit ang strap ng bra nito.

Sinabi pa sa police report na patuloy si Ongpin sa pag-inom ng alak nang dumating ang mga awtoridad hanggang sa oras na kinausap na nila ito kung saan sinabi umano ni Ongpin na ni-rescue niya ang dyowa sa loob ng banyo sa pamamagitan ng pagsira sa pintuan at bintana nito.

Ayon kay NBI Director Eric Distor, magsusumite sila ng rekomendasyon sa Department of Justice pagkatapos ng isinagawang imbestigasyon sa pagkamatay ni Jonson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.