Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ongpin pinasusuko ng DOJ

0 111

Pinayuhan ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Julian Ongpin, person of interest sa pagkamatay ng kasintahan na si artist Bree Jonson, na makipagkooperasyon sa awtoridad kaugnay sa kaso nitong possession of illegal drugs para magkaroon aniya ito ng tsansa na malinis ang pangalan nito.

Ipinauubaya na umano ng Department of Justice (DOJ) sa Regional Trial Court ng San Fernando City, La Union na magdesisyon kung may probable cause para ituloy pa ang trial laban kay Julian, na anak ng dating trade minister at bilyonaryong si Roberto Ongpin.

“It is best for the accused to submit himself to the jurisdiction of the court so that he will have all the time and opportunity to defend himself in a fair and impartial trial,” ayon kay Guevarra.

“If the judge finds probable cause, a warrant of arrest will be issued,” dagdag niya.

Samantala, ikinatuwa ng pamilya ng yumaong artist ang pagpataw ng kaso laban kay Julian, na kasama ni Jonson sa isang hostel room sa La Union noong Setyembre 18 kung saan natagpuan ang walang buhay na katawan ng artist. Sinasabing magdyowa ang dalawa.

SM food to go Banner Ad

“Very happy ‘yong family and, incidentally, nag-coincide ito sa 30th day ng pagkamatay ni Bree. September 18, namatay and yesterday was the 18th of October so parang they saw a flicker of hope para dito kay Bree kasi kahit papaano meron nang naisampa against Julian,” pahayag ng abogado ng pamilya ni Jonson na si Atty. Ma. Moreni Salandanan.

Bagama’t iniimbestigahan pa ang kaugnayan ni Julian sa kamatayan ni Jonson, hindi naman siya nakalusot sa nakum­piskang higit 12 gramo ng cocaine sa kuwarto na inarkila nila ng artist.

Ang San Juan, La Union Police ang naghain ng kasong kriminal laban kay Julian. Non-bailable ang kasong isasampa.

Samantala, ikinatuwa rin ng Philippine National Police ang pagsasampa ng kaso laban kay Julian.

“We welcome this significant development in the criminal complaint filed against Ongpin. This shows that the justice system in the Philippines is working and that the rule of law applies to all. Lahat ay pantay-pantay sa ilalim ng batas kahit pa ang akusado ay mula sa maimpluwensyang pamil­ya,” ani PNP chief Gen. Guillermo Eleazar. (Mark Joven Delantar/Kiko Cueto/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.