Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ongpin wala pang kawala sa drug case

0 39

Maghahain ng motion for reconsideration (MR) ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa isinagawang pagbasura ng korte sa kasong may kinalaman sa iligal na droga laban kay Julian Ongpin.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sa Lunes ihahain ng mga DOJ prosecutor ang MR sa La Union Regional Trial Court.

“I have been informed that the DOJ prosecutors will file their motion for reconsideration in the Ongpin drug case on Monday,” ayon kay Guevarra.

Samantala, sinabi ni Guevarra na tinanggal na ang Philippine Hold Departure Order (PHDO) laban kay Ongpin dahil ang korte ang nag-isyu nito.

Subalit nananatili pa rin ang Immigration Look-out Bulletin Order (ILBO) laban kay Ongpin.

“The court has lifted the PHDO because it was issued by the court. But the DOJ/BI has not lifted the ILBO issued against Mr. Ongpin because the DOJ will file a motion for reconsideration of the court’s dismissal order; besides,” ayon kay Guevarra.

Bukod dito, patuloy aniya na hinahalukay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso sa pagkamay ng artist na si Bree Jonson.

Itinuring na person of interest si Ongpin sa pagkamatay ni Jonson dahil sila ang huling magkasama nang matagpuan ang artist na patay na sa loob ng tinuluyan nilang kuwarto sa isang resort sa La Union noong Pebrero.

Bukod sa natagpuang bangkay ni Jonson, nakatagpo rin ang mga nag-imbestigang awtoridad ng cocaine sa inokupahan nilang kuwarto. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.