Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online aral bantayan sa data privacy – NPC

0 217

Bumuo ng task force ang National Privacy Commission (NPC) upang bumalangkas ng code of conduct para sa online learning na ipatutupad ng mga publiko at pribadong eskuwelahan ngayong may pandemya.

“Bagong environment pero oportunidad din for misuse,” sabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro sa Laging Handa briefing Huwebes ng tanghali, kung saan pinaalala nito na responsibilidad ng mga eskuwelahan na pangalagaan ang personal data ng kanilang mga estudyante batay sa Data Privacy Act.

Binanggit ni Liboro na kamakailan lang ay kanilang nakita ang pagtaas ng mga data breach sa mga kolehiyo at unibersidad patunay na maraming nagkaka-interes aniya sa personal data ng mga kabataan na isang “vulnerable sector” ng lipunan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.