Abante Tonite Interactive

Online check-in sa international flight sinuspinde ng Cebu Pacific

441

Inanunsyo ng Cebu Pacific na pansamantalang sususpendehin ang kanilang online check-in para sa international flight dahil sa coronavirus (COVID-19).

“Hi everyJuan, online check-in is temporarily unavailable for international flights, as we have to check prior tra­vel due to COVID-19,” sabi ng airline company sa Twitter advisory.

Pinayuhan ng kompanya ang kanilang mga pasahero na dumiretso na sa mga airport counter para maipatsek ang kanilang dokumento at makakuha ng boarding pass.

Available naman ang online check-in sa kanilang mga domestic flight.

Sa kasalukuyan ay may temporary travel ban ang Pilipinas sa mga biyaherong mula sa China, Hong Kong, Macau at South Korea. (Issa Santiago)