Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC may pakulo sa online coaching

0 200

SISIMULAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang National Sports Coaching Certification Course gamit ang modernong teknolohiya sa online teaching simula Lunes, Hulyo 27.

Isang proyekto na isinasagawa ng Philippine Sports Institute (PSI) Sports Education and Training Program, ang NSCCC ay sinimulan sa Tagum City noong 2018 bago sumnod sa Legazpi City at Davao City nakaraang taon.

Ang Visayas ang unang makakaekspiriyensa sa online coaches certification, kung saan umapaw ang bilang sa mga lalahok sa kabuuang 1,090 registrant.

“The present situation in the country should not deter us from continuing our programs and services to the sports community, specifically in enhancing the competencies of our coaches in the schools and the LGUs,” sabi ni PSC oversight commissioner for Visayas Ramon Fernandez. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.