Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Online concert kay Leila kaabang-abang

0 54

Ngayong Pebrero 24, mamarkahan ni Senadora Leila M. de Lima ang kanyang ikaapat na taon ng di-makatarungang pagkakulong.

Bilang pagbibigay-suporta sa kanya, muling magsasama-sama ang mahuhusay at kilalang musikero, artista, aktibista, lider at relihiyoso, sa loob at labas ng bansa, para sa isa na namang gabi ng “online community jamming” na pinamagatang “Leilaya! Mga Tinig at Himig ng Paglaya.”

Mapapanood ito ngayong Miyerkules, sa ganap na 7:30 ng gabi via livestream sa official Facebook page ng Senadora at Free Leila de Lima Movement (FLM) FB page.

Kabilang sa mga magtatanghal sina Ebe Dancel, Bugoy Drilon, Gary Granada, Bituin Escalante, Bayang Barrios, Cookie Chua, Jim Paredes, Agot Isidro, True Faith, mga singer mula Amerika at mga banda mula sa ibang bansa.

Makikibahagi rin dito sina Vice President Leni Robredo, Senator Frank Drilon, Senator Risa Hontiveros, Senator Kiko Pangilinan, Atty. Chel Diokno, Joel Lamangan, Mae Paner, Pinky Amador, Bishop Broderick Pabillo, at marami pang personalidad.

Si De Lima ay kinikilalang kampeon ng karapatang pantao at pinakamatinding kritiko ng administrasyong Duterte. Noong Pebrero 24, 2017, ipinakulong si De Lima dahil sa mga kasong tinatawag niyang bogus at batay lamang sa mga gawa-gawang paratang.

Kamakailan, naabswelto ang Senadora at ibinasura ng Korte ang isa sa tatlong kaso laban sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.